ang sarap mamasyal sa ganitong
lugar. lalo na kapag stress ka na.
nakaka relax. nakakawala ng pagod lalo na nakakawala ng stress.
sarap panourin ang mga ulap, mga matatayog na puno, mga ibon na nag siliparan at lumanghap ng sariwang hangin sa malinis at tahimik na lugar.
walang ingay ng videoke ng maririnig kapitbahay, ingay ng kotse na dito pa mismo sa tapat ng bahay kung mag backing, ingay at usok ng malalaking sasakyan at kung anu-ano pa. maiisip mo yung magagandang nangyayari sa nakaraan at kasalukuyan.
at yung mga masaya at nakakatawa'ng nangyari sa buhay.
sarap din mag picnic, family bonding or barkada bonding.
makinig ng music, magbasa,mag kwentuhan, maglaro, mag palipad ng saranggola, mag palipad ng papel na eroplano at gumawa ng musika sa mga ganito'ng katahimik na lugar.
i want to go in the place like that. san ko kaya matatagpuan ang ganyang lugar? hinahanap- hanap kita.
ang lungkot isipin na di na nakakapunta sa mga ganyang lugar.
lagi na lang nasa apat na sulok ng tahanan. kung gumala man sa mall at kung san man di parin masaya. PANANDALIAN lang ang saya na nararamdaman.
iba talaga ang saya sa ganyang lugar.
mas masaya parin mamasyal sa ganyang katahimik na lugar. maganda rin panuorin pag palubong na ang araw. at paisa isang lumalabas ang mga bituwin na nag niningning. ang paghiga sa damo ay mararamdam mo ang pagiging malaya.kahit paminsan-minsan lang.

